Bb. Pilipinas Janina San Miguel
Naiinis ako.
Kung mapapanuod nyo ang vidyo na yan maririnig at masasaksihan nyo ang mali maling ingles sa pagsagot sa simpleng tanong. Hindi ko pinapahiya ang babaeng ito o nilalait. Gusto ko lang magsabi ng saloobin at sentimyento ukol sa usapin at kontrobersiya na bumabalot dito. Ang patimpalak na yan ay ginaganap para hanapin ang mga binibini na hindi lamang likas na maganda kundi matalino. (Hindi ko sinasabi na ang pagsasalita sa wikang banyaga ay nangangahulugan ng katalinuhan. Maling paniniwala yan.) Isa rin sa dahilan kung bakit merong patimpalak na Binibining Pilipinas ay para sa panunuood at kasiyahan ng bansa gayun na rin para sa ating mga kababayan na Pilipino. Ngayon, ano nga ba ang kinaiinis ko? Mayabang ang babaeng ito pero hindi siya bobo, tanga lang siya. Bakit? Hindi nya pala kayang magsalita sa ibang lengguwahe bakit pa nya pinilit? Dapat bago sya sumali inalam nya ang mga kahinaan at mga kalakasan nya nilang isang kandidato. Bukod pa riyan, nakakahiya ba ang magsalita ng tagalog? Yan ay sariling atin. At gaya nga ng sinabi ko ang patimpalak na yan ay para sa mga Pilipino. Base sa aking napanuod, ipinakita nya na mas pinahahalagahan pa nya ang ingles kesa sa sarili nating wika.
Tandaan nyo ang mga sinabi ni Jose Rizal - "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda." at " Ang kabataan ay pag asa ng bayan".
Kung ganito ang mentalidad ng kabataan ngayon eh wala na nga talagang pag asa ang ating bayan. Oo. Bukas ako sa argumentong maari siyang kinakabahan at bata pa siya pero hindi yan dapat gamitin para maging palusot sa pagkakamali nya. Hindi ako sang ayon sa pagkapanalo nya. Para sakin hindi sya karapat dapat na tanghalin at koronahan na Binibining Pilipinas 2008.
Ang kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo lamang bagkus sa pagmamahal nya sa sarili nyang kultura, pagkatao at kapwa nya.
paumanhin sa mga hindi nakakaintindi sa aking sinulat ngayon.

No comments:
Post a Comment