hehe. nabasa ko lang. share!
ganda eh.
galing sa -
http://www.geocities.com/jedoneseventhree
Friendster
pag nagsusulat ako. kadalasan, tungkol sa uso. o kung hindi man uso, sa isang usaping alam ng karamihan.
sinusubukan kong gawin ang mga sinusulat ko sa paraan kung saan maiintindihan at mas makukuha ng mga tao..
ngayon, may uso nanaman..
yung Friendster..
nakita niyo nang parating to no? nung bago yung layout ng site ko at kinalat ko sa mga tao, ang unang sinabi nung iba sakin..
"sulat ka tungkol sa friendster!"
shempre ang sasabihin ko naman: "oo nga e, yun na yung susunod na gagawin ko.. heh.."
kaya ito, ginawa ko nga..
nung simula palang, hindi na ako excited masyado sa friendster na to.. pinaguusapan to ng mga tao sa downs dati, tapos sila, sobrang excited na excited habang pinaguusapan kung sino yung mga "friendsters" nila.. tapos wala lang.. hindi ko binigyang pansin kasi mukhang hindi naman siya talaga deserving ng pansin..
nakakuha ako ng email galing kay jella na nagiinvite sakin para sumali sa friendster..
binasa ko yung intro nung email.. tapos wala.. hinayaan ko nalang..
kinabukasan, nakakuha ako ng isa pang email na galing naman kay rayms.. friendster daw.. kaya yon.. sige.. tinignan ko kung ano ba tong friendster na to, at bakit pati si ramys nasama.
nagpapafill up ang friendster sa akin ng impormasyon.. kung anong gusto ko, anong gusto kong libro, musika, pelikula.. lahat.. at dahil nandito na rin naman ako, binanatan ko na ng mga seryosong sagot..
ayon ako, nagffriendster.. naghahanap ng mga maidadagdag pa sa listahan ko.. 2 friends ang simula ko, kawawa naman ako, parang wala akong kaibigan.. naghanap hanap ako ng mga tao, at ayon.. nakahanap naman ako..
habang nagdadagdag ako ng mga kaibigan.. ang naiisip ko.. "uh, ok.. nagdadagdag ako ng mga tao..... ang saya..... wow.."
so kala ko wala lang diba? parang, paprofile profile lang.. "nothing worth being excited about"..
pero, bakit ganon?! WOW! anong nangyayari?!? BAKIT GANON!?
kaliwa't kanan, taas baba.. FRIENDSTER ang bumubulaga..
FRIENDSTER AMPUTA?
naririnig rinig ko rin na NAAADIK ang mga tao sa friendster..
taenang yan?
hindi ko talaga makita kung pano ka pwedeng maadik sa ganon ka walang kwentang bagay..
ano to? naadik ka sa kakalagay ng pictures at info? naadik ka sa kakalagay ng mga kaibigan sa listahan? naadik ka ba sa kakahunting ng crush mo? naadik ka ba kakastalk ng mga minamanyak mo? naadik ka ba sa kakahanap ng kaibigang pwedeng makilala? HA? WTF!? anong ikakaadik don sa taenang yon?
hindi dahil sobrang sikat ang friendster kaya ayaw ko na.. hindi dahil ang daming tao nang may gusto, ako humihiwalay para astig ako kasi kakaiba ako.. pero ang pointless lang talaga e? bat ka maaadik don? bakit ka hindi makakaaral dahil lang nagffriendster ka?
nakikita niyo ba kung bakit ang pointless non?
ang pinakamalapit ko nang nakikita sa friendster, yung pagchachat.. mejo mas maayos lang ang friendster kasi may ready profile at picture na, pero yung pagiinteract don, sobrang bagal dahil email based, kung hindi man, sa chat rin o sa YM mauuwi yung usapan..
ayon.. kasali parin ako ng friendster.. at habang nandon ako.. ang dami kong napansing pwedeng, "iexploit"..
ang unang kapansin pansing ginagawa ng mga tao, ay yung pagpaparami ng mga tao sa listahan nila.. mga taong kakilala nila, mga taong napakilala sa kanila at mga taong HINDI nila kilala.
wala lang, may contest ba sa friendster na paramihan ng mga kaibigan? naguunahan ba sila sa 500? makakakuha ka pa ng isang milyon pag naka-500 ka nang friends sa listahan?
pota, hindi naman a? so anong point non?
yun na ba ang cool sa mga kabataan ngayon? paunahang makaabot sa 500 at paramihan ng accounts?
wow, ang babaw naman non.
ok lang siguro kung puro kakilala nila yung mga inaadd nila e.. pero ganon ba yung nangyayari? hindi! add lang ng add! kung maganda o gwapo yung taong nasa picture, puta add agad! pampapogi rin yon ng friendster list!
nung bago yung friendster, yung mga kaibigan ng mga kaibigan ko, inaadd ako.. hindi ko talaga malaman kung anong dahilan ng pag-add nila.
kadalasan, ganito yung mga sagot ko:
1) uh, hindi ako yung sa tingin mong kakilala mo.
2) kilala ba kita?
3) sorry a, pero ayokong mag-add ng mga taong hindi ko naman personally na kakilala e.
4) wala akong balak makipagtextmate sayo pare, hindi ako naghahanap ng lalakeng karelasyon. hindi ako bakla.
kadalasan, automatic na yung pagwithdraw nila, minsan ako pa yung magrereject. minsan sumasagot pa.. sa dami ng nareject ko, madami na rin akong nakuhang violent reactions:
1) ndi tlga ikw yng kakla2x ko! wla meng supladong kakila2x!
2) hindi mo ako kilala? your loss.
3) FEELING MO GAGO! KALA MO KUNG SINO KA! DAPAT MAGADD KA NG MGA TAO KASI ANG KONTI NG MGA TAONG NASA LISTAHAN MO! GAGO! MAMATAY KA NA!
4) cge na pwease? SOT tayo, hot na hot na me. im tall sexy and very gay.
taena nga namang banat yan o. di ko alam kung baket may mga taong ganyan. wala naman silang karapatan magalit, kasi kaya nga may approve/reject feature yon, para free kang tumanggap at magreject ng mga taong naga-add sayo.
ano, diba? kung hindi niyo napapansin, may message bago ka magadd ng tao, nakalagay don, dapat sigurado kang kaibigan mo yung tao bago mo iadd. pero nasusunod ba yon? hindi rin e. add lang ng add mga tao. kahit di nila kilala, basta ma-add lang. tancha ko, hindi man lang magagalaw yung account na yon ulet. di man lang magmemessage kung baket siya naga-add.
isa pa sa mga kinaaaliwan ng mga tao sa friendster ay ang "testimonials".
bago pa lang nag friendster noon, yung mga tao excited na excited talaga sa mga pinaggagagawa nila. ang daming nagmemessage sakin ng: "uy gawan mo naman ako ng testimonial. pag ginawan mo ako, gagawan kita."
ano ba naman yan. humingi ng papuri. kulang ba ang pansin ng mga tao sa bahay kaya humihingi sila sa net?
at para saang purpose nila ginagawa to? para lang ba sa kanila? hindi rin e. malamang, ginagawa ang testimonial testimonial na to para maipagsigawan sa mundo ang mga magagandang traits nila.
ang testimonial ay parang palanca na pinapabasa mo sa lahat ng mga tao. ang palanca na dapat sa iyo lang, dinidisplay mo sa net para makita ng buong mundo.
kung mapapansin niyo rin, kadalasan sa mga testimonials ay may format na sinusunod. parang ang olats na talaga e. parang ang supot na talaga. tipong nagsulat nalang ng testimonial for the heck of writing it. hindi na dahil gusto, pero dahil obligado. ito ang mga mapapansin niyo sa kanila:
1) testimonials na nagsisimula sa pangalan sa porma ng patanong.
example: si brando? ah si brando astig yan! mabait yang tao at mahilig sa tsiks.
2) testimonials na inuunahan ng negative comment, tapos babawiin sa may gitna.
example: skwater tong taong to. putangina nitong hayop na to, mamatay na siya. wala siyang kwentang tao. magnanakaw na, ang lakas pa ng putok. sobrang itim niya dahil sa libag niya sa katawan. siguro kung naligo yung sa lamesa dam, kailangan nang itapon lahat ng tubig don dahil sobra nang contaminated ang tubig. JOKE LANG! seriously, astig tong taong to.
3) testimonials na nagbibigay ng background kung paano sila nagkakilala.
example: nakilala ko si romualdo sa chico. parati siyang sumasayaw-sayaw don na hubo't hubad. kaya nung isang araw na sumasayaw siya, binigyan ko siya ng damit para isuot niya. kaya lang yung bouncer don, kala DOM ako.. kaya yon.. pinalabas ako. sinundan ako ni rimualdo para ibalik yung mga damit na binigay ko sa kanya, nagshare kami ng yosi at mula non, naging matalik na kaming magboypren.
4) testimonials na nagsasabi ng negative first impression sabay biglang positive na sa huli.
example: nung una kong nakilala tong babaeng to, kala ko pokpok siya at wala siyang alam sa buhay kundi mangleech ng pera sa mga mayayamang panget. hindi pala siya ganon. kahit pala sa mga mayayamang gwapo ginagawa niya yon.
yan ang kadalasang format ng testimonials. pag may humihingi sa aking ng testimonial, sinasabi ko sa kanya na: "chong, di hinihingi yon, pero kung magpupumilit ka, babanatan kita ng generic na testimonial."
aba, pumapayag naman, inaapprove yung testimonial ko kahit walang kwenta.
ang isa pang nakakaburat sa friendster, yung mga surveys. taena. di ko lang alam a, nung nagchecheck ako ng friendster, puta, araw araw nalang may bagong survey. hindi ko alam kung baket.. para bang tuwang tuwa yung mga tao na may friendster kaya send sila ng send ng surveys na ganon. taena, di ko nga alam kung anong use ng ginagawa nilang yon e.
survey suvey.. sagot naman ng sagot mga tao.. kahit 100+ na tanong sa isang survey lang, puta sagot parin! tapos forward ng forward naman yung mga tao! kahit walang kakwenta kwentang survey, basta lang survey, forward agad! kung nakatayo sa harap ko yon sasabihin ko don "TAENA PARE BUMILI KA NAMAN NG BUHAY! masaya ka na ba jan sa ginagawa mo? NAGSASPAM KA NG BOARD KO HINAYUPAK KA."
nakikita niyo ba yung friendster accounts na "Chinita" o "Pinay Beauties" o "Cerified Pinay Beauty" at kung ano ano pa? taena, ang daming ganon. hindi ko alam kung baket add ng mga add yung mga tao sa mga ganon. taena, baka kung sinong manyak lang na sira ulo yung gumagawa non at add ng mga add ng mga babaeng maganda sa pictures nila. ang pointless talaga non e. nauso ng sobra at lahat gumawa na. ano, kung part ka ng grupong yon, maganda ka na? yun na ba yon? taenang yan.
kung hindi niyo rin napapansin, ang friendster ay napupuno ng mga batang pinoy. baka hindi niyo alam, pero dapat 18 ka bago makasali sa friendster.
may mga taong mas bata pa sa 15 na may friendster na. at wow, ang dami niyang mga kaibigan. hindi ko talaga alam kung baket ang special ng friendster. baket ba pati yung mga hindi dapat na nandoon, nandon na rin? ano, nakikiuso?
yun na nga yon siguro. nahpye up ng sobra ang friendster at naging uso. kung hindi ka friendster, hindi ka in. kung may nagtanong sayo na "uy, may friendster ka ba?" dapat masasagot mo ng "oo", kasi kung hindi, mabibigyan ka ng tingin na "puta ang jologs mo lumayo ka sakin, laos ka na"
kahit para sa akin, walang masyadong kwenta ang friendster at isa lang tong malaking kasayangan sa oras kung 30 minuto o mas marami pa ang ginagastos mo para lang dito, alam ko naman na mayroon rin itong mga magagandang nagagawa.
1) nakoconnect ka sa mga long lost friends mo.
marami sa atin ang nagkakalimutan na. ang friendster ay isa sa mga surefire ways para magkausap usap kayo ulet. malaking tulong nga naman. tapos minsan, may mga tao pang naliligaw na.. parang yung crush ko nung kindergarden.. ang alam ko, APPLE yung nickname niya. pero di ko na alam yung last. taena badtrip talaga o. gusto ko siyang hanapin ulet e. alam mo yon? para lang malaman kung kamusta na siya at kung ano nang nangyayari sa buhay niya. hindi naman necessary na maging girlfriend ko siya o ano, pero wala lang.. gusto ko lang malaman kung ano nang nangyari sa kanya.
pwede ring may mga kaibigan kang pumunta nang states o south africa o ano.. pag may friendster makoconnect kayo (kahit may email naman at Yahoo! Messenger at IRC.)
2) mas madaling mangstalk ng tao.
so ayan, may crush ka. ang alam mo lang sa kanya, first at last name. di mo alam kung san nakatira, kung sino mga kaibigan.. basta.. wala ka talagang alam sa kanya kundi pangalan niya at mukha niya.
dahil may friendster na, napakadali nang mangstalk. dahil ito dun sa info na nilalagay ng mga tao. di mo na kelangan maghanap ngayon ng kakilala niya para lang malaman kung ano yung mga gusto niya. maglologin ka lang, tapos magsesearch, tapos yun na yon. taenang yan. kumpleto. may testimonials pa! mas maraming information!
galing no? stalkers paradise talaga yang friendster.
3) ok magadvertise sa friendster.
yung isang ok na feature ng friendster, yung bulletin boards. ang dali lang kasing magadvertise don.. kung may gusto kang ibenta, bilin, gaguhin, murahin, magpromote, humingi ng prayer rally, gumawa ng rally, gumawa ng strike, magpaabot ng balita sa maraing tao, ideclare sa mundo na bakla ka, sabihin sa mga taong magpapakamatay ka na.. effective talaga yon.
kung kulang ka rin sa pansin, post ka lang don, malamang makakakuha ka rin ng pansin mo.
yang friendster na yan, parang link-tv ng upper classes: sayang sa oras, kuryente at pera.
sa mga kaibigan ko talaga, kaunti lang yung nagsimula ng friendster accounts.. yung ibang nagsimula na, dinelete rin dahil nakita nila na walang kwenta naman ito.
kung naghahanap ka ng karelasyon at talagang seryoso ka sa paghahanap pero hindi mo kayang makipagusap sa personal, frienster ang sagot sa iyo.
kung nawala ka na sa piling ng mga kaibigan mo at gusto mo silang mabalik sa buhay mo, mapachildhood friends man o ano, firendster ang sagot sa iyo.
kung isa kang psychotic stalker na sobrang obsessed sa isang taong kahit kailan hindi mo malalapitan, friendster ang sagot sa iyo.
kung isa kang pakyut na tao na gusto mong lubus-lubusin ang pagshoshots, friendster ang sagot sa iyo.
kung wala kang kaibigan pero gusto mo ring maramdaman ang nararamdaman ng mga taong sikat, friendster ang sagot sa iyo.
kung isa kang geek na hindi mo talaga kayang makipaginteract sa mga tao in real time (kahit sa chat) pero gusto mo parin makakausap ng babae o masabing "kaibigan" mo sila, friendster ang sagot sa iyo.
kung walang silbe ang buhay mo, wala kang trabaho, hindi ka nagaaral, wala kang ginagawa at wala kang balak gawin, friendster ang sagot sa iyo.
kung mahilig kang sumabay sa uso, friendster ang sagot sa iyo.
kung naaaliw kang magadd ng mga taong hindi mo kakilala sa FRIENDS LIST mo, friendster ang sagot sa iyo.
kung sa tingin mo hindi ka makakahanap ng mga babae o lalakeng ganon kagaganda o kagwapo, friendster ang sagot sa iyo.
kung natutuwa ka sa kakatingin ng pictures ng mga taong hindi mo kilala at info nila, mapalalake man o babae, friendster ang sagot sa iyo.
pero kung hindi, iwasan mo ang friendster kahit na ano pang mangyari dahil wala talagang kwenta to.
"to each, his own."
hindi ko sinasabing skwater lahat ang may gusto ng friendster, ang sinasabi ko lang, para sa akin, walang kakwenta kwenta ang friendster at hindi to dapat kasayangan ng oras at pera. walang rason para maadik dito o malulon.
No comments:
Post a Comment