Monday, February 11, 2008

naalala nyo pa ba? halina't sumilip sa alaala ng ating pagkabata.





naalala nyo pa ba siya? bago ko pa mauso at makilala ang voltes v, yan ang una kong minahal kong super hero! si ultraman tiga! hindi ko nakakaligtaan ng tuwing sabado ng ales dyes ng umaga sa abs cbn sarimanok ako nanunuood nyan! kahit pa sa kapit bahay! haha! sya ay nakikipaglaban sa mga alien na pilit sinasakop ang planetang earth katulong ang kanyang mga kapatid.




eto naman si masked rider black! sa abs 13 ko sya napapanuod. nakasakay sa motor at nakikipaglaban sa mga halimaw.




at bago pa mauso ang power rangers merong maskman! haha!
~humanda na kayo! kampon ng kadiliman! oras na ng pag tutuos!
~kasamaan ninyo'y dapat matapos!
o di ba? me themesong pa! haha!

No comments: