Friday, February 1, 2008



ang akala ko makukulit at mapag abusong kustomer lang ang makakahrap ko. hindi pala. bukod sa tatay kong lasinggero pati pala mga lasing sa kantin namin dumadayo para bwisitin ako. matapos ang pagpapablatter ko kagabi, nainiom ang mga brgy tanod. hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng isa at dinalaw pa ako sa computer shop. nanahimik ako. pagpasok, sabi ko "ano po yun". isanglinyang ginagamit ko sa bawat taong pumapasok, sumisilip o tumatambay. at ang sagot naman sakin ng bangag na brgy tanod. "negatib? negatib?" sabi ko "ano po?". pati ang boyfriend ko nagtaka, napapailing at mayamo natatawa sa narinig nya. hindi malaman kung anong isasagot ni bgry tanod. sabi nya lang "di be nagreport ka kagabi". sabi ko "oo." at muli nyang sinabi na "negatib? negatib?". nagets ko na ang tinatanong nya pala ay kung may nagtatangka ulet ng tulad kagabi. sabi ko "wala po." at umalis na sya. maya maya dumating si mami. at tinatanong ako kung sinagot ko raw si brgy tanod ng "sino ka?". sabi ko "hindi. kahit tanong mo pa kay jacer." tanging tawa at ngisi lang ang naipakita ni jacer. biglang sumabad ang isang kustomer na kakapasok lang. "lasing yan. makulit. isusumbong ko yan kay chairman." akala ko tapos na ang lahat. hindi pa pala. pinatawag ako ng daddy ko. at pagdating ko pinahihingi ako ng tawad. GALIT NA GALIT AKO. kupal ba sya? bakit ako hihingi ng tawad? sino ba sya? hindi porket tanod siya eh pede na sya gumawa gawa ng kwento. at ang sabi pa ni mami, makisama raw ako. PUTANG INA! ang trabaho magbantay ng shop, hindi makisama sa mga lasing! bakit ganun? sila ang pinanigan nila samantalang ako ang anak. kinukunsinti nila ang kabastusan ng kustomer nila. talaga nga naman! napaswerte ko sa magulang!

No comments: